π—Ÿπ—œπ— π—”π—‘π—š π—¦π—”π—¦π—”π—žπ—¬π—”π—‘ 𝗦𝗔 π—₯𝗔𝗠𝗒𝗑, π—œπ—¦π—”π—•π—˜π—Ÿπ—”, π—‘π—”π—šπ—žπ—”π—₯π—”π— π—•π—’π—Ÿπ—”

Aabot sa limang mga sasakyan ang nagkarambola kahapon, December 11, sa National Highway ng Bugallon Proper, Ramon, Isabela.

Base sa report, minamaneho ni Aldrin Juan ang Mitsubishi Strada Pick-up kung saan mayroon itong apat na pasahero na residente ng Brgy. Sinamar Norte, San Mateo, Isabela, habang minamaneho naman ni Rogelio Cabucana ang traysikel na may batang pasahero at residente ng Brgy. Bugallon Proper, Ramon, Isabela.
Isa pang traysikel ang sangkot sa karambola na minamaneho ni Danilo Diego; habang minamaneho rin ni Leo Baybado ang isang motorsiklo at ang panlimang sasakyang sangkot sa insidente ay minamaneho ni Edison Puzon na pare-parehong residente ng Brgy. Bugallon Proper, Ramon, Isabela.

Sa imbestigasyon ng mga kapulisan, binabagtas ni Juan ang kalsada papuntang Cabanatuan City habang papunta naman sa Westward si Cabucana kung saan pagkarating sa lugar ng inisdente ay aksidente silang nagbangaan.

Dahil dito, hindi rin sinasadya ni Juan na mabangga ang mga sasakyan nina Diego, Baybado, at Puzon na nakaparada lamang.

Nagtamo ng head injury si Juan, habang nagtamo naman si Baybado pinsala sa kaniyang kaliwang paa kung saan agad din silang naisugod sa pagamutan.

Sa kasalukuyan ay hindi pa rin matiyak kung magkano ang halaga ng kabuuang pinsala sa mga sangkot na sasakyan. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *