𝗟𝗢𝗟𝗢 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗡𝗨𝗘𝗟, 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗔𝗞𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘

Dead on arrival sa hospital ang isang lolo matapos mabangga ng sasakyan sa kahabaan ng national highway sa Barangay District 1, San Manuel Isabela kagabi, November 5, 2023.

Sa natanggap na impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office, kinilala ang biktima na si Rogelio Ramos, 65-anyos at residente ng District 4, San Manuel, Isabela.

Habang kinilala naman ang drayber ng Mitsubishi Adventure na si Joey Eustaquio, 37-anyos na residente ng Brgy. San Antonio, Roxas, Isabela.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na binabaybay ni Joey ang daan pahilagang direksyon at nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay hindi nito napansin ang biktima na tatawid sana dahil upang mabunggo niya ito.

Dahil dito, nagtamo ng pinsala sa katawan ang biktima na agad namang idinala sa pagamutan upang lapatan ng lunas ngunit idineklara itong dead on arrival ng kaniyang attending physician.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya habang hindi pa matukoy ang halaga ng pinsala sa behikulo habang nasa kustodiya nan g San Manuel Police Station ang drayber na si Joey para sa karagdagang dokumentasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *