π—Ÿπ—’π—Ÿπ—’ 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗑 π— π—”π—§π—˜π—’, π—¦π—¨π—šπ—”π—§π—”π—‘ 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗒𝗦 π—£π—”π—šπ—”π—§π—”π—§π—”π—šπ—”π—œπ—‘

Sugatan ang isang magsasaka sa Barangay Sinamar Norte, San Mateo, Isabela matapos itong pagtatagain ng kapwa niya magsasaka.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Team, kinilala ang biktima na si Placido Ricafort, 70-anyos, magsasaka, may-asawa at residente ng Namillangan, Alfonso Lista, Ifugao.

Batay sa imbestigasyon ng kapulisan, nagpapahinga ang biktima nang bigla na lamang dumating si alyas β€œRon” ang hinihinalang suspek at basta na lamang umano pinagtataga si Placido.

Sinubukan pa nilang awatin si alyas β€œRon” ngunit agad itong nakatakas matapos tagain ang biktima.

Mabilis namang naidala ang biktima sa pagamutan na nagtamo ng taga sa kaniyang dalawang kamay at likod.

Sa ngayon, nadakip na rin ng kapulisan ang suspek at nahaharap sa kasong frustrated murder.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *