𝗠𝗘𝗡𝗢𝗥-𝗗𝗘-𝗘𝗗𝗔𝗗 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗔𝗬𝗕𝗘𝗥 𝗔𝗧 𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗜𝗧𝗢, 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗦𝗔𝗟𝗣𝗨𝗞𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗨𝗟𝗜𝗚𝗟𝗜𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗡𝗔𝗦𝗔𝗞𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥

Nagpapagaling na ngayon sa pagamutan ang menor-de-edad na drayber at angkas nito matapos aksidenteng mabangga ng kuliglig ang kanilang sinasakyang motor kahapon, November 30, sa may kahabaan ng Brgy. Centro 3, Luna, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Team sa Isabela Police Provincial Office, minamaneho ni Marvin Binabise, 29-anyos, magsasaka, ang kuliglig; habang sakay naman ng motorsiklo ang menor-de-edad na drayber at angkas nitong si Jonard Valdez, 33-anyos at pare-parehong residente ng Brgy. Lalog 1, Luna, Isabela.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Luna PS na patungo sa iisang direksiyon ang dalawang sasakyan kung saan pagkarating sa pinangyarihan ng insidente ay aksidenteng nabangga ng kuliglig ang likurang bahagi ng motor.

Nagresulta ito ng mga pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan sa mga sakay ng motor na kaagad naman naisugod sa pagamutan.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng Luna PS ang drayber ng kuliglig, maging ang mga sasakyan para sa tamang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *