𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗟𝗢𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗢𝗟𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗜𝗗𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗖𝗢𝗠𝗘𝗟𝗘𝗖 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗧𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗜𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗨𝗣𝗣𝗢𝗥𝗧𝗘𝗥𝗦 𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗗𝗜𝗗𝗔𝗧𝗢

Maayos na naidala sa Commission on Elections sa Lungsod ng Cauayan ang mga balota na hawak ng mga guro matapos harangin ng ilang supporters ng natalong kandidato sa pagka-barangay opisyal.

Ito ang kinumpirma sa isang panayam kay PNP Cauayan City Chief of Police PLTCol. Ernesto Nebalasca Jr. kung saan isang polling center umano sa lunsod ang nagkaroon ng ganitong insidente.

Aniya, nang magbabalik na ng election paraphernalia ang mga gurong nagsilbi sa halalan ay hinarang umano sila ng ilang taga-suporta ng natalong kandidato.

Sa puntong iyon, agad namang napigilan ng miyembro ng kapulisan ang nasabing mga taga-suporta at maayos na naibalik ng mga guro ang mga election paraphernalia sa COMELEC.

Dagdag pa ng opisyal, sa mismong araw ng eleksyon ay mayroon silang mga natanggap na impormasyon na mayroong namamahagi ng flyers at sample ballot ngunit nang tunguhin nila ay wala nang naabutan.

Sa kabila nito, matiwasay at mapayapa aniya ang isinagawang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023 sa lunsod ng Cauayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *