𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗜𝗟𝗜𝗞𝗔𝗦 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗘𝗧𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗡𝗜-𝗞𝗔𝗡𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡𝗔𝗡

Bumalik na sa kani-kanilang mga tahanan ang 431 na pamilya sa probinsya ng Cagayan na inilikas dahil sa sa epekto ng bagyong Betty.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, batay sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ay aabot sa 1,372 na indibidwal ang ligtas na nakabalik na sa kanilang mga bahay.

Mula sa nasabing bilang, 177 ang mula sa Calayan Island, 128 sa Sta. Ana, 104 sa Gonzaga, 16 sa Gattaran at anim sa Sta.

Teresita. Tiniyak naman ng PDRRMO Cagayan na walang mga naitalang nasaktan dahil sa bagyo kung saan maging ang mga responders ay bumalik na sa kanilang mga lugar.

Sa ngayon, naka-standby pa rin ang mga rescuers at equipment habang minomonitor ang sitwasyon sa probinsya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *