๐— ๐—š๐—” ๐—ฃ๐—ช๐——๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—”๐——๐——๐—˜๐—Ÿ๐—”, ๐—ค๐—จ๐—œ๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—ข, ๐—ก๐—”๐—ž๐—”๐—ง๐—”๐—ก๐—š๐—š๐—”๐—ฃ ๐—ก๐—š ๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—ข๐—ก๐—š ๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐——๐—ฆ๐—ช๐—— ๐—™๐—ข๐Ÿฎ

Nakatanggap ang mga Persons with Disabilities sa Maddela, Quirino ng tulong mula sa DSWD Field Office 2 sa ilalim ng programang Community Action and Resources for Accessible and Better Living Environment (CARe-ABLE).

Nagsagawa rin ang naturang ahensiya ng orientation at pay-out patungkol sa nasabing programa.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News FM Cauayan, sinabi ni Ginalyn Bonares, ina ng isa sa mga benepisyaryo ng programa na sana magtuloy-tuloy ang CARe-ABLE upang mas marami pa silang matulungan.

Ang CARe-ABLE program ay isang inisyatiba ng DSWD na magbibigay ng tulong sa mga PWDs mula sa gobyerno.

Ngayong taon, nakikipag-ugnayan na ang lokal na pamahalaan ng Maddela sa ahensiya para sa implementasyon ng programa sa naturang bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *