π— π—šπ—” π—¦π—¨π—¦π—£π—˜π—ž 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔π—₯π—œπ—Ÿ 𝗦𝗔 π— π—šπ—” π—Ÿπ—œπ—©π—˜-π—œπ—‘ 𝗣𝗔π—₯π—§π—‘π—˜π—₯ 𝗦𝗔 π—Ÿπ—’π—• π—‘π—š 𝗕𝗨𝗦, π—§π—¨π—žπ—’π—¬ 𝗑𝗔 – 𝗣𝗑𝗣

Inihahanda na ng kapulisan ang isasampang kaso laban sa dalawang hitmen at mastermind sa pamamaril-patay sa maglive-in partner sa loob ng isang bus sa Nueva Ecija.

Inihayag ni PCOL. Jean Fajardo ang Spokesperson ng PNP na inaasahang makukumpleto na ngayong linggo ang mga kinakailangang papeles at sinumpaang salaysay para sa pagsasampa ng kaso.

Una nang napaulat na ang tumamang bala ng baril na ikinamatay ng maglive-in partner ay tugma sa tatlong insidente ng pamamaril sa Nueva Ecija at Isabela dahilan upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Kinumpirma rin ng opisyal na tama ang mga na-identify na maga suspek na miyembro aniya ng gun-for-hire group. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *