๐—ก๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฅ๐—ข๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—›๐—ง๐—˜๐—ฅ ๐—ก๐—š ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ง๐—”, ๐—ฃ๐—ข๐—ฆ๐—œ๐—•๐—Ÿ๐—˜๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—›๐—œ ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—จ๐—ก๐—ข๐—š ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐— ๐—”๐—ง๐—˜๐—ข ๐—ก๐—” ๐—œ๐—ž๐—œ๐—ก๐—”๐—ฆ๐—”๐—ช๐—œ ๐—ก๐—š ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—ข๐—Ÿ๐—”

Tinitignan ang posibilidad na ang nilalarong lighter ng 6-anyos na bata ang naging sanhi ng pagkasunog ng isang bahay sa Sinamar Norte, San Mateo, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Team, unang napaulat na nasawi sa sunog ang isang senior citizen na kinilalang si Saturnina Guray, 97-anyos.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na inamin ng isang bata na apo ng biktima na naglalaro ito ng lighter.

Maaari umanong habang nilalaro ng bata ang lighter ay nasindihan ang kurtina at hindi na agad naapula ang apoy hanggang sa kumalat.

Kasalukuyang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya at BFP upang malaman pa ang halaga ng pinsalang iniwan ng sunog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *