Paano kung yung paborito mong alaga ay sinira ang P222K na pera mo?

Kinain ng isang 7-year-old goldendoodle na si Cecil ang $4,000 o katumbas ng P222,000 na pera ng kaniyang amo sa Pittsburgh, USA.

Ayon sa salaysay nina Clayton at Carrie Law, ginawa ng kanilang alagang aso ang insidente noong nagpapagawa sila ng bakod kung saan nagrequest ang kanilang mga trabahado na cash ang bayad sa kanila.

Dahil dito inihanda ni Clayton ang nasabing pera. Inilagay niya ito sa isang envelope at iniwan sa kanilang kusina.

Makalipas ang 30 minuto ay binalikan nito ang pera ngunit nagulat ito nang makitang kinakain na ng aso ang kaniyang pera.

Agad na kinuha ng mag-asawa ang gutay-gutay na pera na buo pa ang serial number habang kinagabihan ay isinuka ng aso ang iba pa.

Hindi pa rito nagtatapos dahil naghintay ang magsagawa ng ilan pang araw hanggang sa maidumi ng kanilang aso ang iba pang pera na kinain nito.

Nabawi naman ng mag-asawa ang $3,550 na halaga mula sa isinuka at idinumi ng kanilang aso matapos itong ipapalit sa banko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *