𝗣𝗔𝗟𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗕𝗜𝗟𝗜 𝗡𝗚 𝗣𝗚𝗜 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔, 𝗨𝗠𝗔𝗕𝗢𝗧 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟯𝟮𝟳𝗞 𝗡𝗔 𝗞𝗜𝗟𝗢

Umabot na sa 327,040 na kilo ng palay o katumbas ng 8.360 milyong piso ang nabili ng Provincial Government ng Isabela mula nang ilunsad ang kanilang programa noong September 21, 2023.

Batay sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Team, ang mga nagbebenta ay kadalasang mula sa mga bayan ng San Mateo, San Manuel, Aurora, Ramon, Angadanan, at lungsod ng Cauayan.

Hanggang ngayon ay patuloy namang hinihikayat ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga magsasaka na ibenta ang kanilang mga dry na palay sa buying center ng PGI sa  NPGC White Triplex Warehouse, Barangay Sinabbaran, Echague, Isabela sa halagang P26 kada kilo.

Kaugnay nito, ang naturang programa ay isinulong ni Governor Rodito Albano III upang matulungan at maprotektahan ang mga rice farmers.

Sa kabilang banda, hindi rin mawawala ang programa para sa mga tobacco farmers kung saan nakatanggap na ang 7,925 tobacco farmers kamakailan ng tig-25,000 pesos kasama ang isang sakong bigas para sa crop year 2019-2020.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *