𝗣𝗑𝗣 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗑 π—–π—œπ—§π—¬, π—‘π—”π—žπ—”-π—”π—Ÿπ—˜π—₯𝗧𝗒 π—‘π—šπ—”π—¬π—’π—‘π—š π—›π—’π—Ÿπ—œπ——π—”π—¬ π—¦π—˜π—”π—¦π—’π—‘

Naka-alerto ang hanay ng Cauayan City Police Station at iba pang force multipliers upang matiyak ang seguridad at kaligtasan ng publiko ngayong holiday season.

Sa naging panayam ng Brigada News Team kay Cauayan City PNP Chief PLtCol Ernersto Nebalasca Jr., hindi maiiwasan ang pagdagsa ng tao sa lunsod kaya’t patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Public Order and Safety Division upang matiyak ang seguridad.

Nagpaalala naman ang opisyal sa mga residente sa lunsod na mag-ingat sa mga kawatan kung saan pinayuhan nito ang mga mayroong sasakyan na maging maingat kung saan magpa-park at iwasang mag-iwan ng mahahalagang gamit sa loob ng sasakyan dahil mayroon nang insidente ng basag kotse sa ibang bayan.

Bukod dito, maging alerto aniya kung magtutungo sa mga matataong lugar upang maiwasang mabiktima ng laslas bag at kapag aalis ng tahanan ay ugaliing tiyakin nan aka-lock lahat ng pwedeng pasukan upang hindi ito mapasok ng kawatan.

Samantala, tiniyak naman ni PLTCOL Nebalasca na ang seguridad at kaligtasan ng publiko upang maging payapa ang pagdiriwang ng kapaskuhan at holiday season.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *