๐—ฃ๐Ÿฏ ๐—›๐—”๐—ก๐—š๐—š๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐Ÿฏ๐Ÿฑ ๐—ž๐—”๐——๐—” ๐—ž๐—œ๐—Ÿ๐—ข ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐— ๐—”๐—ง๐—œ๐—ฆ ๐—”๐—ง ๐—–๐—›๐—œ๐—ก๐—˜๐—ฆ๐—˜ ๐—–๐—”๐—•๐—•๐—”๐—š๐—˜, ๐— ๐—”๐—•๐—œ๐—•๐—œ๐—Ÿ๐—œ ๐—ฆ๐—” ๐—”๐— ๐—•๐—”๐—š๐—จ๐—œ๐—ข

Bumagsak na sa tatlong piso hanggang tatlumpuโ€™t limang piso kada kilo ang presyo ng kamatis at Chinese cabbage o umbok sa bayan ng Ambaguio, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Team, mas pinipili na ng ibang mga magsasaka na itapon na lamang ang kanilang mga inaning produkto dahil sa dami ng supply nito kung saan hindi na maibenta.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng Lokal na pamahalaan ng Ambaguio na tutulungan nila ang mga apektadong magsasaka.

Ang sitwasyong nararanasan ng mga magsasaka sa nabanggit na bayan ay bunga ng sabay-sabay na pagtatanim kung kayaโ€™t sabay-sabay din silang aani na siyang magiging dahilan kung bakit dadami ang suplay sa Nueva Vizcaya Agricultural Terminal o NVAT.

Bukod kasi sa kanilang mga produktong idinadala sa NVAT ay kumukuha rin ang naturang terminal ng mga gulay sa lalawigan ng Ifugao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *