π—£πŸ΄πŸ¬π—ž 𝗑𝗔 π—›π—”π—Ÿπ—”π—šπ—” π—‘π—š 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨, π—‘π—”π—¦π—”π—žπ—’π—§π—˜ 𝗦𝗔 π—”π—‘π—§π—œ-π—œπ—Ÿπ—Ÿπ—˜π—šπ—”π—Ÿ 𝗗π—₯π—¨π—š 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗒𝗣𝗦

Timbog ang isang lalaki matapos ang isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad kahapon, Decmeber 7, sa Brgy. Bulagao ,Tuao, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si alyas β€œJhon” na residente ng nabanggit na lugar.

Nakumpiska mula sa kaniyang pangangalaga ang dalawang pakete ng shabu na may tinatayang timbang na 12 grams at may standard dug price na P81,600.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya nan g Tuao PNP ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *