𝗦𝗘𝗡. 𝗜𝗠𝗘𝗘 𝗠𝗔𝗥𝗖𝗢𝗦, 𝗣𝗘𝗥𝗦𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗘𝗗𝗨𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗔𝗦𝗦𝗜𝗦𝗧𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗨 𝗘𝗖𝗛𝗔𝗚𝗨𝗘

Personal na binisita ni Sen. Imee Marcos katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Isabela State University (ISU) Echague Campus upang mamahagi ng tulong pinansiyal para sa mga kwalipikadong estudyante kahapon, ika-5 ng Nobyembre.

Aabot sa 2,000 na mga estudyante sa buong ISU-System ang nabigyan ng assistance na nagkakahalaga ng P5,000 mula sa iba’t ibang programa ng DSWD.

Bukod sa financial assistance sa mga estudyante ay nagbigay din ang senadora ng sampung (10) set ng desktop computer para sa ISU-Echague na naglalayong mas mapabuti pa ang serbisyo ng naturang campus para sa mga mag-aaral.

Kaugnay nito, dumalo rin sa naturang payout sina Isabela Province Governor Rodito Albano III, at Vice Governor Faustino “Bojie” Dy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *