𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗 π—ͺ𝗒π—₯π—žπ—˜π—₯𝗦 π—‘π—š 𝗠𝗔π—₯π—”π—•π—¨π—Ÿπ—œπ—š 𝗨𝗑𝗒, π—‘π—”π—šπ—¦π—œπ— π—¨π—Ÿπ—” 𝗑𝗔 𝗦𝗔 π—žπ—”π—‘π—œπ—Ÿπ—”π—‘π—š π—¨π—‘π—”π—‘π—š 𝗔π—₯𝗔π—ͺ

Nagsimula na ngayong araw ang mga benepisaryo ng tulong panghanapbuhay sa ating. Disadvantaged/displaced workers o TUPAD Program sa Marabulig Uno, Cauayan City.

Sa naging panayam ng Brigada News Team kay Barangay Kagawad Michael Ibarra ang head ng Committee on Clean and Green sa Marabulig Uno, nasa labinwalong TUPAD workers ang napabilang sa batvh na ito.

Aniya, apat na oras ang gugugulin ng mga ito sa kada-araw sa loob ng sampung araw upang magtrabaho.

Umaga naglilinis ang mga TUPAD workers sa kanilang barangay aniya upang maiwasan ang heat stroke dahil mainit na umano sa hapon.

Ang lilinisan naman na itinakda sa mga ito ay mula sa boundary ng San Fermin hanggang sa boundary ng Marabulig Dos.

Samantala, sinabi naman ng opisyal na hindi ito ang huling batch ng TUPAD workers sa kanilang barangay dahil inaasahang mayroon pang susunod na matutulungang residente dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *