𝗧𝗨π—₯𝗑-π—’π—©π—˜π—₯ 𝗒𝗙 π—’π—™π—™π—œπ—–π—˜ π—–π—˜π—₯π—˜π— π—’π—‘π—¬ 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 π—•π—”π—šπ—’π—‘π—š 𝗣π—₯π—’π—©π—œπ—‘π—–π—œπ—”π—Ÿ π——π—œπ—₯π—˜π—–π—§π—’π—₯ π—‘π—š π—œπ—£π—£π—’, π—œπ—¦π—œπ—‘π—”π—šπ—”π—ͺ𝗔 π—‘π—šπ—”π—¬π—’π—‘π—š 𝗔π—₯𝗔π—ͺ

Opisyal ng umupo bilang bagong Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) si PCol. Lee Allen Bauding matapos isagawa ngayong araw, January 4, ang Turn-over Ceremony sa Lungsod ng Ilagan.

Sa naging mensahe ni Incoming PD PCol. Bauding, nagagalak aniya siya na siya ang nabigyan ng pagkakataon na maglingkod sa ikalawang pinakamalaking probinsya sa bansa.

Aniya, with great power comes great responsibility kaya’t gagawin nito ang lahat ng kaniyang makakaya upang ipagpatuloy ang mga magagandang nasimulan ng Outgoing Provincial Director.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Outgoing PD PCol. Julio Go sa lahat ng mga indibidwal at grupo na naging bahagi ng matagumpay niyang pamumuno sa IPPO.

Dinaluhan naman ang naturang turn-over of office ceremony ng iba’t ibang mga officials sa lalawigan ng Isabela at ni Police Regional Office 2 Director Christopher Birung sa pamamagitan ni PBGen. DRDA Marcial Mariano P. Magistrado IV bilang presiding officer.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *