𝟭𝟱𝟬 𝗡𝗔 𝗕𝗘𝗡𝗘𝗣𝗜𝗦𝗔𝗥𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝟰𝗣𝘀 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗚𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗡𝗔

Natapos na bilang benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ang nasa 150 na pamilya mula sa Sta. Teresita at Aparri sa probinsya ng Cagayan.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development Regional Field Office 2, ang 150 na pamilyang nagtapos sa programa ay binubuo ng isandaang pamilya mula sa Aparri habang limampu naman ang mula sa Sta. Teresita.

Kaugnay dito, binigyang pagkilala rin ang kabuoang 35 na estudyanteng nagtapos sa kolehiyo.

Ang mga nasabing pamilya na nagsipagtapos sa programa ay nagamit ng maayos ang ibinigay na tulong sa ilalaim ng 4Ps tulad na lamang ng cash grant at educational assistance.

Ito ang naging daan upang makamit ng mga ito ang self-sufficiency level o kaya nang mamuhay nang hindi na aasa sa tulong na matatanggap mula sa 4Ps.

Samantala, ang lokal na pamahalaan naman ng Aparri at Sta. Teresita ay nangakong magbibigay ng tulong bilang panimulang puhunan sa bubuoing pangkabuhayan ng mga nagsipagtapos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *