𝟭𝟵 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟮, 𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗘𝗧𝗧𝗬

Aabot sa labingsiyam na Barangay sa Lambak ng Cagayan ang apektado ng bagyong Betty kung saan nagkaroon ng pre-emptive evacuation.

Batay sa inilabas na datos ng Department of Social Welfare and Development Region 2, ang nasabing mga apektadong barangay ay mula sa anim na munisipalidad ng Cagayan, Isabela at Batanes.

Sa ngayon ay nasa 172 na pamilya na binubuo ng 682 individuals ang apektado ng bagyong Betty sa rehiyon dos.

Mula sa naturang datos, isa ang mula sa Batanes, 374 sa Cagayan at 307 sa Isabela.

Ang nasabing mga pamilya ay nananatili sa pitong evacuation center ngunit ang ilan ay nakitulog muna sa kanilang mga kaanak.

Samantala, tiniyak naman ng kagawaran na sapat parin ang suplay ng mga relief goods sa kanilang mga warehouse kung saan nasa mahigit dalawang milyon ang naka-standby na pondo habang mayroong P127.6 milyon naman ang halaga ng stockpile.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *