𝟰𝟲𝟮 𝗖𝗔𝗔 𝗡𝗚 𝟱𝗧𝗛 𝗜𝗡𝗙𝗔𝗡𝗧𝗥𝗬 𝗗𝗜𝗩𝗜𝗦𝗜𝗢𝗡, 𝗡𝗔𝗚𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗦𝗜𝗖 𝗠𝗜𝗟𝗜𝗧𝗔𝗥𝗬 𝗧𝗥𝗔𝗜𝗡𝗜𝗡𝗚

Nagtapos ngayong araw ng Basic Military Training sa 5th Division Training School ang 462 Civilian Active Auxiliary ng 5th Infantry Division, Philippine Army.

Ayon sa ibinahaging impormasyon ng 5TH Infantry Division, hinimok ng bagong talagang Inspector General ng 5ID na si Col. Allan Espela ang mga bagong CAA na ipakita ang disiplina at tamang pakikitungo sa komunidad kung saan sila magsisilbi.

Tiniyak naman nito na matatanggap ng mga CAA ang kanilang mga benepisyo kung saan isa na rito ang karagdagang allowance para sa 2024.

Dumalo sa naturang pagtatapos ang Chief of Staff ng 5ID na si Col. Narciso Nabulneg Jr at iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *