𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗥𝗔𝗠𝗜𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗗𝗜𝗗𝗔𝗧𝗢 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗦𝗞𝗘, 𝗧𝗨𝗧𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗠𝗘𝗟𝗘𝗖

Tututukan ng Commission on Election Cauayan City ang mga barangay sa lunsod na maraming kumandidato para sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections.

Sa eklusibong panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Cauayan City Election Officer Atty. Christopher Thiam, wala naman aniyang naitalang hotspot Cauayan City o mga barangay na mayroong mainit na labanan sa halalan.

Dahil dito, pagtutuunan na lamang aniya ng COMELEC katuwang ang PNP ang mga barangay na maraming kandidato dahil tiyak na matindi ang magiging kampanya sa mga barangay na ito.

Kaugnay nito, pinaghahandaan na rin ng COMELEC Cauayan City ang pagsasapinal  ng electoral board na binubuo ng mga guro at iba pang may responsibilidad sa darating na halalan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *