𝗕𝗨𝗦 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔 𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗦𝗔𝗛𝗘𝗥𝗢, 𝗡𝗔𝗕𝗨𝗡𝗗𝗢𝗟 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗨𝗖𝗞; 𝗜𝗦𝗔-𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡

Nagtamo ng injury sa kaniyang kanang paa ang pasahero ng isang closed van truck matapos mabunggo ang likurang bahagi ng pampasaherong bus kaninang madaling araw, January 08 sa Brgy. Magsaysay, Cabatuan, Isabela.

Kinilala ang pasahero na si Allan Raymon Lorenzana, 38-anyos, helper at residente ng Santo Tomas, Penarada, Nueva Ecija habang ang drayber ng closed van truck ay kinilala naman na si Argel Vendivel, 27-anyos na residente ng Brgy. Bardias, San Miguel, Bulacan.

Kaugnay nito, kinilala rin ang drayber ng pampasaherong bus na si Sixto Valdez, 53-anyos, at residente ng Brgy. Olango, Mallig, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, binabagtas ng parehong sasakyan ang kalsada papuntang Cabatuan Proper.

Pagkarating sa lugar ng insidente, tumigil ang pampasaherong bus upang ibaba ang mga pasahero nito subalit nabunggo ng nakasunod na truck ang likurang bahagi nito.

Bukod sa pasahero ng truck ay ligtas naman ang lahat kung saan ang mga pasahero ng bus ay inilipat kaagad sa ibang pampasaherong bus.

Sa kasalukuyan ay inaalam pa ng PNP Cabatuan ang kabuang halaga ng naging pinsala sa dalawang sangkot na sasakyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *