š¯—•agong kadiwa store sa lambak ng Cagayan, binuksan

Pinasinayan ng Department of Agriculture Region 2 ngayong araw, ika-18 ng Enero ang pinakabagong Kadiwa Store sa Region 2 na matatagpuan sa Bagay Road, San Gabriel, Tuguegarao City.

Ang naturang Kadiwa Store ay pamamahalaan ng isang kooperatiba ng mga magsasaka kung saan mabibili rito ang iba’t ibang agricultural produce ng mga magsasakang miyembro ng Cagayan Seed Producers Multi-Purpose Cooperative.

Maaaring bumisita sa Kadiwa Store araw-araw na bukas mula alas-otso ng umaga.

Samantala, sa buong lambak ng Cagayan ay mayroon ng mahigit 20 na naipatayong Kadiwa outlets, kabilang na rito ang mga Kadiwa Pop-up Stores at Kadiwa-on-Wheels.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *