𝗖𝗥𝗔𝗦𝗛 𝗦𝗜𝗧𝗘 𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗣𝗘𝗥 𝗣𝗟𝗔𝗡𝗘, 𝗣𝗢𝗦𝗜𝗕𝗟𝗘𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗧𝗨𝗡𝗧𝗢𝗡 𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗥𝗘𝗦𝗖𝗨𝗘𝗥𝗦 𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦 – 𝗜𝗠𝗧

Inaasahang matunton na ng mga rescuers ang crash site ng piper plane na mayroong tail number na RPC-1234 sa bulubunduking bahagi ng Barangay Casala, San Mariano, Isabela.

Sa natanggap na impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan mula sa Incident Management Team, naibaba na ng PAF Sokol helicopter ang mga rescuers sa landing zone malapit sa paanan ng bundok kung saan nakita ang piper plane.

Kaugnay dito, dalawang para-jumpers, 4 na Isabela PDRRMO rescuers, at 5 BFP-SRU men ang inihatid ng PAF maliban pa sa mga rescue groups na papunta na rin sa lugar.

Samantala, kahapon batay sa update ng MDRRMO-Palanan ay bandang alas-3:52 ng hapon ay nagtungo na rin ang rescue team ng Divilacan sa lokasyon ng naturang eroplano.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *