𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗛𝗦 𝗚𝗬𝗠𝗡𝗔𝗦𝗜𝗨𝗠 𝗦𝗔 𝗔𝗕𝗨𝗟𝗨𝗚, 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗡𝗔

Ipinasakamay na ng Provincial Government ng Cagayan ang dalawang Senior High School gymnasium sa bayan ng Abulug, Cagayan, kahapon, September 15.

Batay sa nakuhang detalye, pinasinayan ang naturang gusali sa mga eskwelahan ng Abulug School of Fisheries at Abulug National Rural and Vocational High School.

Labis naman ang pasasalamat ng mga punong-guro ng dalawang eskwelahan kay gobernador Manuel Mamba sa suportang kaniyang ibinibigay sa sektor ng edukasyon.

Isang awitin din ang inihandog ng Division Superintendent ng Cagayan na si Reynante Caliguiran.

Kaugnay nito, dumalo sa naturang aktibidad ang Consultant on education ng PGC na si Claire Lunas, mga Barangay Official ng dalawang Brgy ,mga representative mula sa Local Government unit ng Abulug, department heads, at iba pang consultants ng kapitolyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *