Local News

𝗗𝗔𝗬 𝗢𝗙 𝗠𝗢𝗨𝗥𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗔𝗣𝗔𝗥𝗥𝗜, 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗜𝗗𝗜𝗡𝗘𝗞𝗟𝗔𝗥𝗔 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪

Nagdeklara ang Aparri Local Government Unit ng Day of Mourning ngayong araw, February 28, 2023 kaalinsabay ng paghahatid sa huling hantungan sa nasawing si Vice Mayor Rommel Alameda at limang iba pa.

Ito ay alinsunod sa inilabas na Executive Order No. 2023-014 ng LGU-Aparri.

Nakasaad sa naturang kautusan na malaking kawalan sa bayan ang pagkasawi ng bise alkalde at lima nitong kasamahan.

Una umanong nagsilbi bilang Barangay Counselor si Vice Mayor Alameda noong 1992 sa Centro 14, naging SB member mula July 2001-June 30, 2010 at nagsimulang magsilbi bilang Vice Mayor noong July 2010 hanggang sa na re-elect noong July 2019 at July 2022.

Nagpaabot rin ng pakikiramay ang munisipyo kung saan iniatas ni Mayor Bryan Dale Chan na ilagay sa half-mast ang bandila sa munisipyo bilang simbolo ng pagluluksa.

Suspendido din ngayong araw ang pasok sa mga government offices at pampubliko at pribadong paaralan sa bayan ng Aparri.

BNFM Cauayan

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

59 mins ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 hour ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 hour ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 hour ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 hour ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

2 hours ago