Local News

π——π—§π—œ 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗑, π—‘π—”π—žπ—œπ—§π—”π—”π—‘ π—”π—‘π—š π— π—¨π—Ÿπ—œπ—‘π—š π—£π—”π—šπ—§π—”π—”π—¦ 𝗦𝗔 𝗣π—₯π—˜π—¦π—¬π—’ π—‘π—š π— π—šπ—” π—£π—”π—‘π—šπ—¨π—‘π—”π—›π—œπ—‘π—š π—•π—œπ—Ÿπ—œπ—›π—œπ—‘

Compliant ang mga negosyante sa Cauayan City sa isinagawang price monitoring ng Department of Trade and Industry- Cauayan City kaugnay sa umiiral na Fairtrade laws at price tag laws.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Frechel Umaguing, Junior Business Councilor ng DTI N.C Cauayan City may mga ilan lamang na grocerya ang hindi sumusunod sa paglalagay ng price tags sa kani-kanilang produkto kayat regular ang kanilang pagpapaalala sa mga negosyante sa tuwing nagmomonitor ang ahensya.

Ayon pa kay Binibining Umaguing, ang mga nahuhuling hindi sumusunod sa Fairtrade at price tag laws ay iniisyuhan lamang ng letter of inquiry at hindi naman agad pinapatawan ng multa.

Kung sakali man na may mga nagtataas ng presyo sa kanilang produkto nagsasagawa muna sila ng imbestigasyon dahil kadalasan aniya sa mga may matataas ang presyo ng bilihin ay dahil mahal din ang pag-aangkat nila.

Batay sa huli din nilang monitoring sa dalawampung establishments na kanilang tinututukan, nagtaas ng piso hanggang 2 pesos ang presyo ng mga prime commodities and basic necessities.

BNFM Cauayan

Recent Posts

P15.5B na disaster relief fund, naka standby para sa El NiΓ±o

Tiniyak ni Department of Budget and Management (DBM) ang suporta ng pamahalaan para sa mga…

58 seconds ago

Pilipinas, hindi pa umano handa sa paggamit ng nuclear power plant

Maraming nang mga bansa na ang naging bukas sa paggamit ng nuclear power dahil na…

2 mins ago

Political amendment sa Saligang Batas, malaki ang maitutulong sa paglaban sa gutom – senador

Binigyang-diin ni Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes, Chairperson, Senador Robin Padilla…

7 mins ago

China, hinamon ng isang kongresista na tumupad sa kasunduan sa Amerika para umiwas sa β€œmiscalculations”

Ikinalugod ni Cagayan De Oro City Second District Representative Rufus Rodriguez ang pangako ni US…

14 mins ago

GenSan dili pa makadeklara og β€˜state of calamity’ dungan sa nasinatiang El NiΓ±o

WALA nakita sa mga opisyal ang pagpailawom sa GenSan sa state of calamity luyo sa…

17 mins ago

Pagpangawat sa menor de edad, sapon sa CCTV

DAKPAN ang menor de edad nga lalaki human na-track ang lokasyon sa usa ka cellphone…

19 mins ago