๐—˜๐—Ÿ๐—˜๐—–๐—ง๐—ข๐—ฅ๐—”๐—Ÿ ๐—•๐—ฅ๐—œ๐—˜๐—™๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—š๐—จ๐—ฅ๐—ข๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ฆ๐—œ๐—ช๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—ฆ๐—ž๐—˜ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฏ, ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ฆ๐—”๐—š๐—”๐—ช๐—” ๐—ก๐—š ๐—–๐—ข๐— ๐—˜๐—Ÿ๐—˜๐—– ๐—–๐—”๐—จ๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก ๐—–๐—œ๐—ง๐—ฌ

Nakatakdang isagawa ang electoral briefing ng Comelec Cauayan City sa September 16, 23 at 31 para sa mga gurong mangangasiwa sa Barangay and SK Elections 2023.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Team, bahagi pa rin ito ng paghahanda para sa darating na halalan upang matiyak na magiging payapa at walang aberya ang botohan.

Nakapagtala ang lungsod ng Cauayan ng 280 clustered precinct kung saan pangangasiwaan ang bawat presinto ng tatlong guro.

Sasanayin naman ang mga ito sa general instructions ng halalan maging sa procedure on canvassing.

Sa October 30 nakatakda ang BSKE 2023 at magsisimula naman ang campaign period sa October 19 hanggang October 28.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *