𝗜𝗧𝗜𝗡𝗜𝗧𝗜𝗡𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗥𝗡𝗘 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗕𝗢𝗬 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗟𝗘𝗡𝗚𝗞𝗘 𝗡𝗚 𝗔𝗟𝗜𝗖𝗜𝗔, 𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦 𝗣𝗔 𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗜𝗡𝗜𝗡 – 𝗠𝗨𝗡𝗜𝗖𝗜𝗣𝗔𝗟 𝗩𝗘𝗧𝗘𝗥𝗜𝗡𝗔𝗥𝗜𝗔𝗡

Tiniyak ng Municipal Veterinarian ng Alicia, Isabela na ligtas pa ring kumain ng mga ibinebentang karne ng baboy sa kabila ng pagkumpirma ng naitalang kaso ng African Swine Fever dito.

Sa ekslusibong panayam ng Brigada News FM Cauayan kay Veterinarian Vladimer Caloza, meron pa ring nagbebenta ng karne ng baboy dahil may available pang supply ng mga alagang baboy sa kanilang bayan.

Aniya, ligtas ang mga slaughterhouse rito dahil bago magpasok ng mga baboy na mula sa ibang bayan ay nagkakaroon pa ito ng anti-mortem inspection at dadaan pa sa 12-24 hours na observation bago katayin.

Monitored naman aniya ang presyuhan ng mga karne ng baboy sa palengke at regulated din ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *