Naaresto ang isang 30 anyos na lalaki sa bayan ng Echague nitong Martes, July 4, 2023 matapos ang ikinasang illegal drug buy bust operation ng mga kasapi ng Echague PNP, PIU, PDEU, at RDEU Isabela.
Ang naaresto ay si alyas Diego na residente sa Purok 2 Sinamar, San Mateo, Isabela.
Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay PMaj. Rogelio Natividad ang hepe ng Echague PNP, nakabili ang umaktong poseur buyer sa suspek ng isang piraso ng heat-sealed transparent sachet na naglalaman ng white crystalline substance na pinaniniwalaang shabu.
Ang nakumpiskang heat-sealed transparent sachet ay nagtitimbang ng 0.6 at may standard drug price na 4,800.00
Bukod pa rito, nakuha mula sa pag-iingat ng suspek ang 11 na piraso ng heat sealed transparent sachet na pinaniniwalaang shabu at may timbang humigit kumulang 3 grams at may standard drug price na 20,400.00.
Nakuha rin sa suspek ang 2,000.00 na busy bust money; 1,000.00 na boodle money; cell phone; balisong at ang motor na ginamit nito.
Ayon sa opisyal, malawak ang ginagalawan ng naarestong suspek kung saan bukod sa bayan ng Echague, nakakaabot pa sa Ramon at Cauayan City para sa kaniyang iligal na transaction.
Nasa kustodiya nan g Echague PNP ang suspek maging ang mga nakumpiskang ebidensiya para sa tamang disposiyon.