Nanawagan ang Tabuk City Police Station ng tulong sa publiko hinggil sa pagkakakilanlan ng suspek sa pagnanakaw sa isang establishimento sa lunsod.
Batay sa post ng PNP Tabuk, agarang magtungo sa kanilang himpilan ang sinumang makapagbibigay ng impormasyon at nakakakilala sa suspek na nasa video.
Una rito, kahapon, August 10, 2023 ay naganap ang pagnanakaw sa GNF General Merchandise sa Purok 4, Bulanao kung saan nakapasok ang kawatan sa pamamagitan ng tubular window grills gamit ang isang hagdan.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan na nagawa pang i-disconnect ng suspek ang CCTV.
Kinuha nito ang isang vault na naglalaman ng P600,000 cash at mga alahas na nagkakahalaga ng P200,000.
Ang robbery ang nangunguna sa index crime ng lunsod sa loob ng anim na buwan kung saan ito na ika-sampung kaso.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP hinggil sa naturang insidente.
LEGAZPI CITY - Kanselado na muna ang isasagawang Simultaneous National Road Clearing Operation sa mga…
Wala na natabang pa ug nakutloan sa iyang kinabuhi ang usa ka siklista human giingong…
Dakop sa akto ang lima ka indibidwal nga nagapatigayon sang illegal gambing nga ginatawag βCara…
Patay ang isa ka mangunguma matapos ginluthang sang wala matumod nga suspetsado sa Sitio Pari,…
Wala ng buhay nang matagpuan ang isang lalaki sa madamong bahagi ng Barangay Bucal, Sariaya,…
Inaresto ng Quezon City Police District ang isang nagpakilalang fencing coach matapos ireklamo ng pangmomolestiya…