1.4 milyon asf indemnification, iginawad ng DA RFO2 sa unang Distrito ng Isabela

Iginawad ng Department of Agriculture Regional Field Office 2 ang P 1,480,000 indemnification at 1,160,000 na halaga ng baka at kambing sa mga naapektuhan ng ASF at nakaraang bayong Uysses na mga magsasaka sa Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, iginawad ang naturang mga benepisyo sa isinagawang 3-in-1 activity ng DA RFO2 sa bayan ng Cabagan, San Pablo at Sta Maria, Isabela.

Maliban rito ay namigay din ang ahensiya ng Agricultural inputs o assorted vegetable seeds at fruit bearing seedlings.

Inihayag ni DA RD Narciso Edillo na pinababa ng ASF ang hog industry sa bansa kung saan ang lambak ng Cagayan ang lubhang naapektuhan.

Habang sa ilalim ng Livestock and High Value Crops Programs ay ipinamahagi ang nasa 18 na baka, 43 na kambing at 9 in 1 vegetable seeds, nutrititious gourmix in cartons, at fruit bearing seedlings.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *