Local News

1, 500 na pamilya, inilikas dahil sa epekto ng bagyong “Paeng” sa Palawan

Nakapagtala ang Palawan Emergency Operation Center ng 1, 500 evacuees mula sa mga munisipyo dahil sa mga pag-ulan at pagbaha na dala ng bagyong “Paeng”.

Binubuo ito ng 5, 500 na indibidwal mula sa mga bayan sa Calamian at ibang munisipyo sa bahaging sur.

Ayon kay Palawan Emergency Operation center manager Jerry Alili, siyamnapu’t lima (95) ang partially damage at 30 ang  totally damage  na kabahayan dahil sa bumagsak na puno at malakas na hangin.

Nagkaroon din ng minor landslide sa kalsada sa Culion subalit agad ring natanggal ang humarang na lupa at nadaanan ang natabunang kalsada.

Sa kabila nito ay wala pang naiuulat na casualties at missing ang PDRRMO sa dalawampu’t tatlong munisipyo.

Samantala, nakabantay naman ang mga stranded sa mga pantalan sa pag-alis ng gale warning upang makabiyahe pauwi para sa paggunita ng Undas 2022.

BNFM Palawan

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

6 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

6 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

6 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

6 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

6 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

7 hours ago