1 barko ng Pilipinas natuloy ang pagbibigay ng regalo sa mga tropang na sa Lawak Island

Hindi ituturing ng Atin Ito coalition na bigo ang kanilang misyon sa isang isla na nasa West Philippine Sea matapos hindi makarating ang kanilang convoy dahil sa aberyang dulot ng China.

Gayunpaman natuloy pa rin sa paghahatid ng regalo ng M/L Chowee para sa mga tropa na nakadestino sa Lawak Island.

Kahit na bumalik na ang mothership ng barko itinuloy pa rin ng M/L Chowee ang misyon nito.

Dumaan kasi ito sa ibang ruta kaya nalusutan ang mga malalaking barko ng Tsina.

Ang M/L Chowee ay isa sa maliit na barko na kasama sa Christmas convoy ng Atin Ito coalition.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *