1 Chinese, arestado dahil may droga sa pina-deliver nitong pagkain

Arestado ang isang Chinese National nang may nadiskubreng shabu sa pina-deliver nitong pagkain sa Williams St, Pasay City.

Nahuli ang lalaki habang nag-i-inspeksyon ang guardiya na nagduda kung bakit bumili pa siya ng pagkain sa labas ng gusali na may restaurant naman sa loob ng building.

Tumambad ang nasa dalawang gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng halos P14K.

Batay sa imbestigasyon, person to person ang transaction at hindi nagmula sa fastfood ang ilegal na droga.

Nahaharap ang suspek sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Act of 2002.

Inaalam na rin ng pulis-Pasay ang pagkakakilanlan ng nagpadala ng pagkain.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *