1-M trabaho para sa mga Pilipinong skilled workers, asahan na mula sa Saudi Arabia

Mag-aalok ang Saudi Arabia ng hindi bababa sa isang milyong trabaho para sa mga Pilipinong manggagawa.

Ayon kay DMW Secretary Susan Ople, magkakaroon ng special hiring  program para sa mga Filipino skilled workers.

Dagdag pa nito, nakatakdang bumisita ang mga labor officials ng Saudi Arabia sa Pilipinas sa Hunyo hinggil sa naturang programa.

Una nang sinabi ni Ople na ang posibilidad na pagkakaroon ng joint special hiring program ay napag-usapan sa isinusulong na pagpapalakas ng tourism sector ng Saudi Arabia.

Bukod dito ay nais rin umanong i-explore ng naturang bansa ang pagdadala ng investments sa Pilipinas. //SM, edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *