1 opisyal ng Fujifilms, pinaaresto ng korte sa kasong estafa

Pinapaaresto na ng korte ang isang mataas na opisyal ng Fujifilms Singapore, na si Atul Agrawal, na sinasabing sangkot sa kasong estafa na isinampa ng Sunfu Solutions Inc.

Ang naturang warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Pasig City Branch 268 laban kay Agrawal ay may kinalaman sa First-Tier Distributorship Certification (Certificate No. OFWHDC_008), na umano ay inisyu ng may kriminal na motibo, noong Enero 6, 2022 ni Ryo Nagaoka, isang Hapones at Presidente ng Fujifilm Philippines, Inc., para sa Sunfu Solutions, Inc.

Bago rito, nauna nang naglabas ng warrant of arrest ang korte sa iba pang opisyal ng Fujifilms na sina Ryo Nagaoka, Eric Koh, Anil Jacob John, Dinesh Mehra, John Paul Camarillo, at Evan Reyes sa parehong kaso ng estafa.

Nauna nang sumuko sina John Paul Camarillo at Evan Reyes at agad ding nakapagpiyansa para sa kanilang pansamantalang kalayaan.

Sa ngayon nananatiling at large si Ryo Nagaoka na itinuturing na isang pugante, matapos pumuslit sa bansa noong maisampa ng city prosecutor ng Pasig ang kasong estafa sa korte.

Maliban sa warrant of arrest na inisyu ng korte kay Atul Agrawal, nanindigan din ang korte na tama at nararapat ang Hold Departure Order na nauna nitong ipinalabas laban kay Nagaoka na dumulog sa korte upang ipawalang-bisa ito dahil nasisikil umano ang kakayahan niyang gampanan ang kayang mga tungkulin na nangangailangan ng regular na pagbiyahe sa labas ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *