1 patay 1 sugatan sa pananaga sa Puerto Princesa; suspek arestado

Patay ang isang Corazon Gabinete Reño habang sugatan ang isang Rolly Magno, 40 anyos matapos silang tagain bandang alas-onse gabi ng Lunes, Pebrero 19, 2024.

Sa report ng Police Station 2, bago ang krimen ay nagkaroon ng inuman sa crime scene ang suspek na si Enrique Villa Colita na caretaker at mga biktima.

Ang kanilang inuman,  humantong umano sa mainit na pagtatalo. Pagkatapos nito, kumuha ng itak ang suspek na ipinantaga sa mga biktima ng ilang beses.

Nagtamo si Corazon ng mga sugat sa katawan matapos niyang pigilan si Enrique ay pinagtataga rin ng suspek ang isa pang biktima na si Rolly.

Samantala, iniimbestigahan pa ng pulisya ang krimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *