1 patay, 14 sugatan sa salpukan ng tren sa Germany

Patay ang isang tao habang 14 ang sugatan matapos magbanggaan ang dalawang commuter trains malapit sa Munich sa southern Germany.

Hindi naman agad na-establish ng mga otoridad ang dahilan ng aksidente.

Mabilis na nagpadala ng mahigit sa 200 rescue workers at pulis para matulungan ang mga pasaherong apektado.

Ayon sa ilang pasahero, nakarinig sila ng malakas na pagsabog bago sila tumilapon sa kanilang mga upuan.

Agad ding nagpaabot ng pakikiramay ang S-Bahn Munich sa pamilya ng nasawi at sa mga sugatan. Base sa report ng mga otoridad, isa ding tren ng S-Bahn ang naaksidente sa parehong lugar noong Agosto ng nakaraang taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *