1 patay, 2 sugatan sa banggaan ng motorsiklo sa Narra

Kinumpirma ng pulisya na may nasawi sa banggaan ng dalawang motorsiklo sa National Highway, Brgy. Princess Urduja, Narra, Palawan nitong Linggo ng hapon, March 19, 2023.

Ang nasawi ay si Jason San Jose Banadera na nagmaneho ng Suzuki Smash 110 habang nakabanggaan niya ay si Richard Ramirez Luma, 35.

Sa imbestigasyon ng Narra PNP, binabaybay ng dalawang motorsiklo ang National Highway galing sa magkasalungat na direksyon at pagdating malapit sa crossing, mabilis umanong pumasok sa linya ng Honda Beat ang Suzuki Smash dahilan ng banggaan.

Dinala sa Narra Municipal Hospital ang mga drayber at ang angkas ni Jason kung saan ito idineklarang dead on arrival.

Samantala, ngayong March 20, 2023 ang kaarawan ng nasawing motorista.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *