1 patay, 2 sugatan sa insidente ng pananaksak sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Dead on arrival sa ospital ang isang 31 anyos na lalaki, habang dalawa naman ang sugatan matapos magtamo ng saksak sa Purok 2, Sitio Kawalog, Brgy. Cagbacong, lungsod ng Legazpi.

Ayon kay PEMS Joseph Herbert Aringo, Investigation PNCO ng Legazpi City Police Station, bago pa man mangyari ang pananaksak sa nasawing biktima na si Clarence Mando, residente ng Purok 2, Brgy. Bariis ay mayroon na ring sinaksak ang suspek sa nabanggit na barangay na kinilalang sina Reymond Del Ayre, 23 anyos, laborer at Alex Rigatuelo na parehong mga residente ng nasabing barangay.

Nagkaroon muna ng alitan ang suspek at si Regatuelo at pinagsasaksak ito pati na ang isa pang biktima na si Del Ayre.

Makalipas ang ilang minuto nang papauwi na sana si Mando, nakasalubong nito ang suspek at sa hindi inaasahan, sinaksak siya nito na naging dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Sinabi pa ng imbestigador, maaaring napagtripan ng suspek ang mga biktima.

Samantala nakilala na rin ito ng mga otoridad at sasampahan na ng kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *