1 patay, 2 sugatan sa pamamaril sa Candelaria, Quezon

Isa ang patay habang dalawa naman ang sugatan sa pamamaril sa Barangay Buenavista West, Candelaria, Quezon nitong Biyernes, Marso 1.

Ayon sa police report, nag-iinuman umano noon ang mga biktima sa bahay ng nagngangalang “Lester”, nang dumating umano ang suspek na kinilalang si alyas “Roy”, 53-anyos, saka pinagbabaril ang biktimang si Manolito Laygo, 56-anyos na businessman.

Tinamaan naman ng bala sa leeg ang isa pang biktima na si alyas “Sergio”, 61-anyos, habang sa binti naman si alyas “Edwin”, 51-anyos.

Isinugod sa hospital ang mga biktima subalit idineklara ring dead on arrival si Laygo.

Kaugnay nito, narekober ng mga awtoridad ang ilang mga basyo ng bala mula sa Caliber. 45.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng awtoridad ang nasabing suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *