1 patay, 34 ang nasugatan sa missile strike sa Ukraine

Hindi bababa sa 34 katao ang sugatan habang isa naman ang namatay sa missile strike sa isang residential building sa Zaporizhzhia, Ukraine.

Naglunsad ang Russia’s military ng Iran-made Shahed drones sa Ukraine’s Kyiv region habang paalis ng Moscow si President Xi Jinping ng China kasunod ng pakikipag-usap kay Pangulong Vladimir Putin.

Kabilang sa 34 na nasugatan ang dalawang bata.

Sinabi ng Ukrainian prosecutor’s office sa isang pahayag na hindi bababa sa anim na missile ang tumama sa lungsod, na nagdulot ng malawak na pinsala.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *