1 patay, kasama sugatan matapos mahit-and-run sa Tuy, Batangas

Patay ang isang babae habang sugatan naman ang kanyang kasama matapos mabiktima ng hit-and-run sa Barangay Rillo, Tuy, Batangas.

Kinilala ng Tuy Municipal Police Station ang nasawing biktima na si Pablita Espina y Tangkay, 58 anyos, habang sugatan naman si Lerma Espina y Alday, 66-anyos, parehong naninirahan sa nasabing lugar.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas-9:05 ng gabi nitong July 23, nang mag-overtake ang minamanehong sasakyan ng suspek sa kanang bahagi ng kalsada na nagresulta sa pagkakabangga sa mga biktima.

Agad na tumakas ang suspek na sinubukang habulin ng isang concerned citizen na nagpakilalang pulis.

Nagawang mahabol ang suspek at tuluyang naaresto.

Sa ngayon ay hawak na ng mga pulis ang driver ng sasakyan at inihahanda na ang isasampang kaso laban sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *