1 security guard, arestado matapos i-hostage ang 3 menor-de edad at kanilang ina

Arestado ang isang security guard matapos i-hostage ang tatlong menor-de-edad at kanilang ina.

Nasagip ng Manila Police District (MPD) ang ina, bata na edad 5 anyos, 2 anyos, at 1-taong gulang.

Batay sa ulat ng MPD, bisita lamang si Justine Sagun sa building nang biglang na lamang ito nanghostage.

Ayon kay P. Col. Arnold Thoimas Ibay, Hepe ng MPD, sinabi ng kainuman ni Sagun na balisa ito habang nag-de-demand na gusto niyang makausap ang kanyang kapatid.

Nabawi naman ang kutsilyo ng suspek na ginamit sa panghohostage.

Nahaharap si Sagun sa kasong RA 7610 o Anti-Child Abuse, slight illegal detention, at illegal possession of deadly weapon.  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *