1 sugatan sa banggaan ng motorsiklo at pick-up sa Luna, Isabela

Sugatan ang isang lalaki sa nangyaring banggaan ng motorsiklo at pick- sa kahabaan ng National highway Brgy. Mambabanga, Luna, Isabela noong hapon ng October 7, 2021.

Kinilala ang sugatan na si Jayvee Sagucio, 28 anyos, isang binata, gasoline boy, at residente ng Brgy. Sinippil, Reina Mercedes, Isabela.

Habang kinilala naman ang tsuper ng Mitsubishi Strada pick-up na si Ernesto Gayyad, 58 anyos, may asawa, isang magsasaka at residente ng Brgy. Appas Tabuk, City, Kalinga.

Sa pagsisiyasat ng Luna Police Station, binabagtas ni Gayyad ang naturang lasangan lulan ang pick-up patungong bayan ng Cabatuan.

Nang makarating umano sa pinangyarihan ng insidente partikular sa harapan ng New Hope Feed Mill sa Brgy. Mambabanga, Luna, Isabela ay bigla na lamang umanong umagaw ng linya ang kasalubong na motorsiklo na lulan naman ni Sagucio.

Dahil dito ay agad umanong nagpreno ang pick-up para maiwasang mabangga ang motorsiklo subalit aksidente pa ring nahagip ang kaliwang bahagi ng sasakyan.

Nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang sugat sa katawan ang tsuper ng motorsiklo na isinugod sa pagamutan ng mga rumispundeng mga kasapi ng Rescue Luna, Isabela.

Samantala, sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Pcpl. Ardie Mateo, ang investigator in-charged sa naturang kaso ay sinabi niya nagkaayos na ang dalawang panig at hindi na nagsampa pa ng kaso ang biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *