1 sugatan sa sunog sa Muntinlupa

Sugatan ang isang lalaki habang 5 pamilya ang apektado nang masunog ang isang bahay sa Muntinlupa.

Ayon sa Muntinlupa City Fire Station, tumama ang apoy sa isang bahay sa 7C Ilaya Barangay Alabang.

Kinilala ng fire station ang sugatan na si Dennis Guntang na nagtamo ng mga paso sa kaliwang braso. Napinsala ang P42,000 halaga ng mga ari-arian at lumabas sa imbestigasyon na nagmula ang apoy sa kwarto ngunit inaalam pa ang sanhi nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *