1 sundalo, sugatan sa engkwentro sa pagitan ng militar at NPA sa Abra

Isang sundalo ang sugatan sa nangyaring engkwentro sa pagitan ng militar at New People’s Army sa Barangay Nagcanasan, Pilar, Abra kahapon.

Kinilala ang nasugatang sundalo na si Cpl Markson Tadeo ng Philippine Army.

Ayon sa Philippine Army, naka engkwentro ng 50th Infantry Battalion sa ilalim ng 501st Infantry Brigade ang Bagong Hukbong Bayan ng Partido Komunista ng Pilipinas habang nagsasagawa ng security operation sa lugar.

Tumagal ng halos buong araw ang sagupaan kung saan patuloy pa ding tinutugis ng mga kasundaluhan ang mga Komunistang-Teroristang Grupo.

Sa ngayon, nasa mabuting kalagayan na ang sugatang sundalo na nagtamo ng minor injuries habang walang naitalang sugatan o nasawi sa panig ng kalaban.

Samantala, sinuspinde naman ngayong araw ng lokal na pamahalaan ng Pilas sa Abra ang klase sa primary at secondary level sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan kasunod ng nangyaring engkwentro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *