1 week extension sa mas mahigpit na health protocol sa Legazpi – Mayor Rosal

LEGAZPI CITY – Hihilingin ng City Local Government Unit (City-LGU) sa Bicol Inter Agency Task Force (BIATF) na bigyan pa ng extension ang mahigpit na pagpapatupad sa lungsod ng ilang mga guidelines at protocols sa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ).


Ayon kay Legazpi City Mayor Noel Rosal, nais nitong palawigin pa ng isang linggon ang paghihigpit dahil sa inconsistent o pabago bago pa ang naitatalang kaso ng covid 19 sa lungsod ng Legazpi.


Ilan sa mga ipinagbabawal ay ang mass gatherings at pagsasara sa mga pasyalan.


Ipinatutupad rin ng LGU ang granular lockdown para sa mga magpopositibo sa nasabing sakit upang maiwasan ang pagdami ng covid 19.


Dagdag pa nito, oras na makita ng Alkalde na may pagbaba sa covid 19 ay agad nitong luluwagan ang restrictions sa araw ng sabado


Sa ngayon ay nasa 133 ang active cases sa naturang sakit.


Sinabi ng opisyal, pag uusapan ng Department of Health (DOH), Department of Interior and Local Government (DILG) at LGU Legazpi sa maging recommendation na extension.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *