10 bata sa bansang Kenya pinaghihinalaang pinatay ng isang bampira?

Nairobi, KENYA– Noon pa man patok na ang mga kwentong bampira sa lahat ng mambabasa at manunuod dahil sa kakaibang uri ng kwento nito. Katunayan, isa sa pinaka kinagiliwan at kinabaliwan ng mga tao ang fantasy novel na Twilight kung saan tampok ang kakaibang kwento ni Bella Swan at Edward Cullen

Ngunit paano kung sabihin ko sa inyong ang bampirang karaniwang nababasa at napapanuod lang natin sa aklat at mga pelikula ay nag e-exist din pala sa reyalidad, maniniwala ka ba?

Kamailan lang naging usap-usapan ang balita tungkol sa sampung batang na natagpuang patay sa isang forested area sa Nairobi.

Ang suspek ay kinilala si Masten Milimo Wanjala, 20 taong gulang residente sa bansang Kenya.

Ayon sa mga otoridad karamihan sa mga biktima ni Wanjala ay mga edad 12-13 years old. Binansagan siyang bampira dahil sa kanyang kakaibang klaseng pagpatay sa lahat ng kanyang nagiging biktima.

Iniinom umano ni Wanjala ang mga dugo ng kanyang biktima at pagkatapos paslangin ang mga ito iniiwan lang niya ang mga bangkay sa isang masukal na bahagi ng Nairobi.

Taong 2015 nang magsimulang mamaslang si Wanjala at ang kanyang unang naging biktima ay isang 12-anyos na batang babae.

Dahil sa kumalat na balita maraming mga magulang ang nababahala sa kaligtasan ng kanilang mga anak.

Hindi na bago ang mga ganitong kwento pagdating sa mga libro at pelikula ngunit pag dating sa reyalidad ito ay nakakabahala at mapanganib para sa ating kaligtasan.### CHRISTINE RAÑA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *